Huwebes, Marso 13, 2014

Rebyung Pambasa



                   
              Kakasweldo palang ubos na ! ito ang karaniwang sinasabe ng mga nagtatrabaho na mabilis maubos ang pera tuwing dumarating ang araw ng sweldo  na  sinagot naman ng librong "Kakasweldo palang ubos  na " mula ito sa panulat ng magasawang Vic at Avelynn Garcia . Hindi ito isang kwento o anu man ito ay libro para sa mga nagtatrabaho na kakasweldo palang ay ubos na dahil sa mga bayarin at sa hindi tamang pagbabudget ng pera . Maraming praktikal na tips ang ibinigay ng librong ito para sa pagbabudget ng pera sa ibat ibang aspeto tulad ng sa edukasyon,pagkain , bahay ,at pananamit maging sa pagiwas sa pagsusugal at sa mga luho ng pamilya

                     Ang librong ito ay kapupulutan ng mga ideya kung paano tayu makakatipid at makakapagimpok ng pera , kung paano makakaiwas sa pagasta ng sobra . Para saakin ang librong ito ay may malaking tulong para sa mga taong sobra kung makagasra ng pera ng hindi pinagiisipan ng tama .Ipininapakita sa librong ang reyalidad ng buhay kung paano gamitin ng tao ang pera para lamang sa mga luho at  bisyo .Marami kang matutunan sa librong ito tulad na lamang ng hindi mo kailangang sumunod sa uso para maging sikat ka at walang masama kung maging matipid mahalaga ay pinagiispan ng tama ang mga bagay bagay .

Rebyung Pampelikula ( My Amnesia Girl )

   

              "Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang ", isa lamang yan sa mga qoutes na nabanggit sa pelikulang "My Amnesia Girl" . Ito ay isang romantic movie na puno kakiligan dahil sa mga anat na pickup lines ng mga bida nito na si Apollo na ginampanan ng sikat na aktor na si John Lloyd Cruz at ni Irene na ginampanan naman ni Toni Gonzaga , mula msa direksyon ni Cathy Garcia Molina .Tungkol ito sa lalaking naghahanap ng true love pero ng dumating na ang taong ito sa kanya ay kanya namang tinakasan dahil sa hindi malamang dahilan , iniwan ni Apollo si Irene sa simbahan noong araw ng kanilang kasal .Mula noon ay nangako si Irene na kakalimutan na nya ito . Makalipas ang ilang taon ay muling nagtagpo ang landas nilang dalawa  at nagpanggap si Irene na sya ay nagka amnesia at ito ay hindi nya kilala. .Tinulungan sya ni apollo na ibalik ang alala nito . Maganda ang itinakbo ng pelikulang ito na punong puno ng mga cheesy lines nila Apoollo at Irene na sinabayan pa ng kantang "Mahal Kita Kasi " ni Nicole Hyala na inirevised naman ni Toni Gonzaga . Sa huli ay naaksidente si Apollo at nagkaamnesia subalit kagaya ng ginawa ni Apollo ay tinulungan din ni Irenen na ibalik ang kanyang ala-ala . Kapupulutan ng aral ang pelikulang ito sapagkat matututo tayung makuntento sa kung anung meron tayu at malaman ang kahalagahan ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa taong desrve ito.